Sign in or 

| Sa paglabas ng mga statements ni Winnie Monsod tungkol sa kontrobersiya ng Villar C5 road scandal na diumano ay kinasasangkutan ni Manny Villar, dagliang nabawasan ang kredibilidad ng personalidad ito. Dati rati siya ay lubhang maprinsipyong tao dahil alam naman niya ang mga sinasabi niya, partikular na sa mga bagay na may kaugnayan sa ekonomiya ng Pilipinas o ekonomiya in general. Ngunit sa nabanggit na isyu halatang halata naman na kahit sinasabi niyang "unbiased" ang kanyang sinasabi ay "lacking in political tinge", mukang di kapanipaniwala. Idinidiiin nyang maiigi si Manny Villar tungkol sa usaping C5 Villar. Sa kanyang sinasabing post sa Facebook, sabi ni Winnie Monsod na "Villar benefited tremendously from the second project. Certainly, his companies were paid significantly more per square meter for the road right of way (which were mostly bought from him). But that pales into insignificance compared with the tremendous increase in the values of his real estate holdings in the area-at least 50-52 hectares." Sobrang biased yata ito? Mahirap paniwalaang objective si Monsod dito, kasi nga nung panahon ni dating Pangulong Cory Aquino, ginawa niyang Socio Economic Planning Secretary si Winnie Monsod at doon siya nagging kilala sa Pilipinas sa mga usaping ekonomiya. Pero sa pagbitiw ng mga kuro-kuro ni Winnie Monsod C5 Villar issue parang nawala ang ang aking paghanga dahil hindi naman matibay ang basehan ng kanyang mga statements. Halatang talagang sinisiraan si Senator Villar dahil nga malakas na kandidato sa pagka pangulo. Sa aking paniniwala, nararapat lamang na malaman ng mga Filipino ang totoong issue ukol sa C5 Villar controversy bago sila maniwala. Kasi talagang exploited ang issue at misled tayo at pinaniniwalang may katiwalian si Villar dito para sirain ang pangalan niya sa publiko. Iba pang artikulo: Manny Villar C5 Issue Villar C5 Issue Manny Villar C5 Issue | |
lance87winters |
Latest page update: made by lance87winters
, Apr 23 2010, 1:18 AM EDT
(about this update
About This Update
Edited by lance87winters
299 words added view changes - complete history) |
|
Keyword tags:
None
More Info: links to this page
|